Ang ating kabataan ang isa sa pinaka-mahalagang yugto ng ating buhay. Ito ang humuhubog ng ating pagkatao sa ating paglaki at sa ating pagharap sa buhay. Mananatili ang mga alaalang ito habang tayo ay nabubuhay. Mga alaalang siyang pinaka-mapait o pinaka-masarap balikan at alalahanin.
Lumaki naman akong masaya. Bunso sa apat na magkakapatid. Lahat kami lalaki. Ang mga alaala ng aking kabataan? Ilan siguro ay malinaw pa at ngayong lubos na ang aking pag-unawa at pananaw sa buhay na-realize ko kung bakit ganito ako mag-isip, kung bakit ganito ang aking mga gusto at hilig. Kung paano ako mag-desisyon, kung paano ako maging emosyonal o kung paano ko tingnan at pahalagahan ang buhay.
Habang lumlaki alam kong may kakaiba sa akin. Madalas noong may mga bagay na sobrang kakaiba at ilang beses kung naitanong sa sarili ko. " Bakit hindi ko makontrol ang isip ng ibang tao?". " Bakit hindi ako makalipad na gaya ng ibon?". " Bakit mas gusto ang manatili sa bahay kaysa pumasok sa school?".Sa murang edad malawak na ang aking mga katanungan sa mga bagay sa mundo. Pero may mga tanong na sadyang bunga lamang ng aking maagang pagkamulat sa mundo ng imahinasyon. Alam ko din noon pa lamang na may mga tanong akong sa sarili ko lamang pwedeng sabihin. O may mga bagay na sadyang naipa-hiwatig na sa akin ang mga sagot kaya hindi ko na kailagang itanong pa.
Isang masalimoot na yugto ang aking pagkabata. Lumaki akong isang mahiyain at walang tiwala sa sarili. Sa murang edad ay nagalit pa nga ako sa mundo at habang lumalaki ay minsan nasabi kong sana ay namatay na lang ako sa gitna ng maraming personal na suliranin.
Isang maliit na lugar ang aking kinalakihan. Isang lugar na payak ang pamumuhay ngunit sapat upang sa murang edad ay mamulat ako sa sining, sa musika at sa lahat ng bagay na ngayo'y malaya kong lubos na nagagawa ng hindi nag-aalala sa sasabihin ng iba. Hindi natatakot na baka ako ay ikatuwa o kutyain. Ang sarap ng totoong malaya!
Habang lumalaki, naramdam ko ang sobrang pagmamahal sa akin ng aking pamilya lalo na ng aking Ina. Siya na sa sobrang pag-aalala sa akin ay naiiyak sa sobrang pagkapikon sa tuwing gabi na akong uuwi mula sa pakikipag-laro ko sa aking mga kaibigan. Binusog nila ako sa mga bagay at luho na hilingin ko noon...Ngunit sila din ang unang nagpilit ng pagbabago sa aking pagkatao na alam ko noon pa man ay isang bagay na kailangan kung gampanan ng mabuti. At sa paglipas pa ng mga taon ay mas lalong uminog ang aking mga katanungan sa buhay. Kailangan ba talagang kutyain ng mga tao ang pagkakaiba o kaibahan ng sekswalidad ng isang tao? Ang kakaiba niyang kilos o pananalita o mga gawi?
Hindi laruang baril ang gusto ko o larong kunwari ay sundalo ang nakahiligan ko noon. Ngunit sa musmus na isipan alam kung pangugutya ang ibig sabihin ng mga tingin nila s tuwing aabutan nila akong naglalaro sa bahay. Mga larong dapat ay mga babaeng bata lamang ang gumagawa. Doon ko umpisang marinig ang literal na mga salita na naglalarawan ng katatawan at pang-aalipusta sa mga taong lumalaking katulad ko.
Bukod sa pag-iyak sa mga bagay na mas iisiping pagtatampuhan ng isang bata ay isang mas seryosong bagay ang naging maliit na peklat sa puso ko hanggang ngayon. Mga tampo na unti unti ay naging galit. Ngunit pinipilit ko pa ding tulungan ang sarili ko na gamutin ang mga ito hanggang ngayon. Masakit pa din ang mga sugat, lalo na kapag may mga palabas na halos kakambal ng kuwento ko. Sa musmus na edad ay naging sensitibo ako sa aking paligid, sa mga salita at sa mga kilos ng iba. Naging mulat ang aking isipan sa mga bagay na kahit gusto kung gawin ay kailangan kung magtimpi at magpigil. Sa murang edad natutunan kung lokohin ang aking sarili at sa kalaunan ay natutunan ko ang mas umunawa sa mga taong mas matatanda sa aking nabubuhay sa mundo. Ngunit ang edad ng tao ay batayan lamang dahil pagdating sa usapin ng sekswalidad ang ating lipunan ay isang sanggol pa rin na walang muwang sa totoong kinakaharap ng mga katulad ko. Masakit isiping sa murang edad ay kailangan kung disiplinahin ang aking sarili at pigilan ang aking kalayaan. Pigilan ang aking totoong kasiyahan!
Ang mga karanasang ito, mapapait man ngunit pilit kung itinago at ikinubli sa loob ng aking kuwarto. Isang mabigat na dahilan kung bakit ako nag-umpisang maging tahimik kasama ng aking pamilya sa loob ng aming tahanan. Bilang bata alam mong anumang sabihin ng iyong mga magulang ay tama. Pinatigil nila ako sa paglalaro ng mga bagay na hindi para sa mga batang lalaki. Ang mga pagkakataong ito ay lubos na nag-iwan ng marka sa aking isipan. Sinira ng kuya ko ang mga mumunting laruan kong malayang ibinabahagi sa aking mga kaibigang babae. Unti-unti nilang pilit na inayos ang aking sarili na ang tanging naiwan sa isip ko habang lumalaki ay "pangit ang ganoong gawain o mali o pagatatawan o masasaktan ka o kukutyain ka ng marami." Ngunit sa halip na isara ko ng tuluyan ang aking isipan, sa murang edad ay ako ang muling umunawa sa kanila. Mahirap na sitwasyon ang pinagdaanan ko habang lumalaki ngunit pinili ko pa ding magpanggap at pinilit ko pa ding maging masaya. Pero may mga pagkakataong nalilimutan ko ito at hindi ko mapigilan....sapagkat sa pagiging totoo ay mas nagiging masaya ako. Sa pagiging malaya ay mas minamahal ko ang aking sarili at ang mga taong kasama ko habang humahalakhak. Mas pinahahalagahan ko ang aking buhay kapag naipapahayag ko ang aking sarili ng walang iniisip na baka masaktan ako o makasakit ako pagkat alam ko nagpapakatotoo lamang ako. Sa mga pagkakataon ding ito ay nakita ko kung gaano kahirap mabuhay ang mga tulad ko sa mga lugar na tulad ng sa amin. Sa tuwing papaluin ako ng aking tatay habang lumalaki dahil sa bagay na ito ay pinanghinaan ako ng loob. Pinanghinaan ako ng magpatuloy sa buhay, na umukit ng mga pangarap at tanawin ang hinaharap. Tinanong ko ang aking sarili kung sino na lang ang aking pwedeng pagkatiwalaan ng aking tunay na pagkatao kung ang lahat ng tao ay hindi marunong umunawa sa aking sitwasyon. Sa sitwasyon ng mga tulad ko. Umpisa pa lang ay hindi na namin pinag-usapan ang paksang ito. Sadya mang hindi pag-usapan pero alam kung pu-pwede akong masaktan kapag ginawa ko. Pu-pwede akong maging sentro ng katatawanan sa oras ng aming hapunan o sa oras ng kwentuhan ng aking mga magulang at ng aking mga Tito at Tita. O di kaya ay kantyawan ng barkada ng aking mga kapatid.
May naibunga din ang mga pagkukulong ko sa kuwarto palagi noon. Mas naging tutok ako sa aking pag-aaral at mas hinasa ko ang aking hilig sa pag-guhit. Masaya akong makita na masaya din ang aking magulang sa aking mga natamong medalya sa school. Madalas na third honors ako mula grade one hanggang naging first honors at gumradweyt akong salutatorian sa Elementary.
Lumalaki akong dalawa ang personalidad noon. Sa school nandoon ang pagkakataong pinipigalan ko ang aking sarili pero sadyang mas masayang makipaglaro sa kung sino talaga ang mas gusto ng puso mo. Mula sa class card ko ng grade one na sabi ng teacher ko sa mama ko ay sobrang mahiyain at halos lagi akong nakayuko o nasa sulok ng classroom. Naging masayahin ako at doon ako nag-umpisang matuwa sa tuwing nakukuha ko ang atensyiong ng aking guro at mga kaklase. Ang mga karanasan ko na madalas ay ikahiya ko ang paglapit o paghingi ng tulog sa aking mga kapatid pagdating sa mga assignments ay naging daan upang dumepende ako sa aking sarili. Nag-aaral akong mag-isa sa kuwarto at sarili ko sa loob ng kuwarto ko ang aking nag-iisang kakampi at kausap na din. Naging masipag ako mag-aral at lagi kong iniisip ang pagpasok sa eskwelahan dahil sa ibang ako kapag ako ay naroroon. Iyong tunay na ako sa tuwing kaharap ng aking mga kaibigang babae. Makulit, palabiro, malikahain at puno ng mga kakaibang ideya. Ngunit unti-unti ang akala kong bagong mundo na natagpuan ko ay muling isang maliit na silid pala lamang. Minsan akong na-ikwento ng aking mga pinsan sa mga magulang ko ng dumalaw sila sa bahay namin. ang akala kung lugar na puno ng masasayang kaibigan ay may mga tao ding palang mag-aangkin bigla ng mga sandaling ito. Ikinwento nila kung paano ako sa school at kung anong klase ang mga nilalaro ko. Sobrang masakit isipin na kapamilya ko din ang mga ito pero sila pa yung mas nanghuhusga sa akin. Nanglalait, Nangugutya at tinatrato akong katawa-tawa! Mula noon wala ni isa man sa mga pinsan ko ang pinansin ko, hanggang ngayon gawa ng sobrang tampo o galit na rin siguro sa kanila. At nakakainggit ang bagay na yun, sa murang edad pa lamang hindi ko naranasan ang isang masayang relasyon sa aking mga kamag-anak. Muli ay nanumbalik ako sa totoong kalagayan ko, sa totoong kalagayan sa aming lugar at ng ating mundo. Ang kabataan ko na sana ay mas may naging sentro ng kamuwangan hindi lamang para sa akin kundi para na rin sa lahat, muli ako ang umunawa at nagparaya sa hiling ng paligid na aking kinalakihan. It's ironic kasi kami ang mga taong sinasabing malalambot ngunit para sa akin ang siya namang pinaka-matatapang sa buhay at ang pinakamalalakas. Ngunit gaya ng iba, hindi lahat ng tulad ko ay natututunang lumaban. Marami ang sumuko at marami ang napahamak dahil sa kamangmangan ng marami pa rin sa atin tungkol sa usaping ito.
Sa mga nagsasabing ito ay isang sakit, isa itong kasalanan na nasusulat sa bibliya, isa itong lifestyle o isa itong desisyon na pinili namin? Hindi po! Kami po ay mga normal na gaya din ninyo, hindi ito nag-umpisa ng kami ay bata o nag-umpisa ng ito ay aming piliin. Nagsimula ito mula pa ng kami ay dalhin sa sinapupunan ng aming ina. Habang kami ay dinadala niya ng siyam na buwan ay ganito na kami. Hindi ito isang sakit! Na gusto niyong gamutin mula pa ng bata kami at hindi ito kayang baguhin ng mga pangaral o pagalit dahil ganito kami. Pilitin man namin ay hindi! Mabago man ang aming kilos o pananalita dahil sa takot ngunit hindi magbabago ang emosyon sa kaibuturan ng aming natural mula sa aming pagkamulat. Ang bubot na Mansanas ay hindi mahihinog na Santol kailanman. Ang pusa ay hindi lalaking aso. Ang ibon ay hindi lalaking leon. Kami ay kung ano kami mula pagkabata hanggang lumaki. Literal na kayo ang naglalagay ng aming mga maskara at kayo ang nagkukulong sa amin sa aming silid. Naisip niyo ba kung paano kaya ang hirap ng mamuhay ng ganito? Gusto niyong kaming gamutin upang maging maligaya pero sa katotohanan ay ginagamot ninyo ang inyong pagkalito para sa inyong sariling kaligayahan. Gusto niyong ipaunawa sa amin na ito ay mali pero sa katotohanan ay nililihis ninyo ang tamang kahulugan ng aming pagkatao. Madalas niyong ilarawan ang bagsik ng parusa ng Lumikha sa mga katulad namin ngunit ang hindi ninyo mailarawan ay ang totoong hirap na pinagdaraanan namin sa tuwing kami ay nakararanas ng deskriminasyon. Hindi ninyo nakikita o nararamdaman ang hirap ng sitwasyon dahil marami sa inyo ang hindi bukas ang isip at puso na kami ay tanggapin ng pantay. At ngayon, mas inuuna naming gamutin ang mga galit ninyo sa inyong puso sa mga tulad namin kaysa tuluyan naming lunurin ang aming mga sarili sa mga poot dahil sa hindi natin pagkaka-unawaan sa usaping ito. Pinipilit namin kayong unawain at pinipilit naming magpakilala sa buong mundo sa paglalarawan ng mga karanasang ito hindi upang ipamukha sa inyo na kayo ay masama ngunit upang tayong lahat ay maging masaya at malaya.
Marami pa rin akong mga kilala na hanggang ngayon ay hindi pa rin malayang naipapahayag kung ano ang tunay nilang pagkatao. Nakakakatawa sapagkat namumuhay tayo sa demokrasya ng ating bansa ngunit karamihan sa mga tulad ko ay walang boses sa loob ng kani-kaniyang pamilya na siyang pundasyon ng ating lipunan! Maraming mga bata ngayon na tulad ko noon ay patuloy pa rin nakararanas ng mga panugutya at ang masaklap na pangugulila nila sa kanilang mga pamilya na malayo o iniwan nila upang makamit lang ang tunay na kalayaan sa kanilang mga sarili.
Maraming mga tulad ko ngayon ang ilang taon na rin na nagpapasko ng malayo sa kanilang pamilya. Tulungan niyo akong ikalat sa mundo ang katotohanan na marami pa ring mga katulad namin ang nagdaranas ng ganitong sitwasyon. Hindi pa rin tanggap ng kanilang mga pamilya, itinakwil ng kanilang mga pamilya o kaya ay napilitang iwanan ang kanilang Pamilya dahil sa pananakit o pang-aabuso.
Iba pa rin ang magdiwang ka ng Pasko kasama ang iyong sariling Pamilya. Tulungan ninyo akong imulat ang isipin ng marami sa atin na nagnanais din kami ng isang maayos at buong Pamilya ng tulad ng lahat sa atin. Bago sumapit ang Pasko sana ay may mga puso at isipin tayong mabuksan at Pamilyang mapagbuklod muli sapagkat parehong masakit ang mawalay ng literal sa Pamilya at yung kasama mo sila ngunit hindi ka naman nila totoong kilala. Maraming Salamat at Maligayang Pasko po sa inyong lahat.

No comments:
Post a Comment